-- Advertisements --

Nagpatupad ang US ng 50 percent na taripa sa halos $20 bilyon na halaga ng mga produkto ng Canada.

Kasunod sa bigong trade negotiations sa dalawang bansa.

Hindi kasi nagkaroon ng pinal at malinaw na kasunduan sina US President Donald Trump at Canadian Prime Minister Mark Carney.

Sa tatlong araw na pag-uusap ng dalawang lider sa White House ay hindi naplantsa ang anumang nais na ipatupad na pagbabawas ng taripa.

Sinabi naman ni Carney na sa mga susunod na araw ay kanilang tatapatan ang gianwang pagpataw ng taripa ng US sa kanilang mga produkto.

Noong nakaraang taon kasi ay nagpatupad na si Trump ng taripa sa mga pangunahing produktong inaangkat mula sa Canada.

Mula noon ay kapwa nagbanta ang dalawang lider ng pagpapatupad ng mataas na taripa.

Dahil dito ay maraming mga negosyante ng Canada ang maapektuhan dahil sa mga dinadala nilang produkto sa US.