Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mas maraming pribadong ospital na makiisa sa PhilHealth sa pagpapatupad ng no co-payment policy upang mabawasan ang gastusin ng mga pasyente.
Sa kanyang talumpati sa paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng PhilHealth at St. Luke’s Medical Center, sinabi ng Pangulo na hindi dapat maging hadlang ang kakulangan sa pera para makakuha ng kinakailangang serbisyong medikal.
Ayon kay Pang. Marcos, mahalaga ang pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor upang gawing mas abot-kaya at accessible ang healthcare. Kabilang sa mga hakbang ng pamahalaan ang Zero Balance Billing sa mga DOH hospital, medical assistance para sa indigent patients, at pagpapalawak ng PhilHealth benefits.
Hinimok din niya ang iba pang ospital sa bansa na suportahan ang no co-payment policy upang matiyak na walang Pilipino ang mapagkakaitan ng kinakailangang gamutan dahil lamang sa kakulangan sa pera.










