-- Advertisements --
Ipinagtanggol ng US Defense Department ang pagiging malapit nila sa Israel.
Ayon kay US Defense Secretary Pete Hegseth, na naging malapit ang ugnayan ng US at Israel kung saan mayroon iisang layon na ito ay pigilan ang Iran sa paggawa ng kanilang nuclear weapons.
Giit nito na mayroon ding kaniya-kaniyang objectives ang US at Israel kaya isinagawa nila ang airstrikes.
Reaksyon ito ng US Defense Department matapos ang pagkuwestyon ng ilang Americans na sinasamantala ng Israel ang US para sa sarili nitong agenda na atakihin ang Iran.
Dagdag pa nito na hawak ng US ang pagpapasya kung kailan matatapos ang giyera sa Iran.
















