-- Advertisements --

Nilinaw ni US President Donald Trump na hindi sila gagamit ng anumang puwersa para makontrol nila ang Greenland.

Sa kaniyang talumpati sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland, ay ipinaliwanag nito ang kahalagahan ng pagkontrol ng US sa nasabing bansa.

Sinabi nito na tanging US lamang ang may kakayahana na maipagtanggol ang nasabing bansa dahil sa malapit lamang ito sa kanila.

Hiniling nito ang agarang negosasyon para sa pagkontrol nila ng Greenland.

Magugunitang maraming mga bansa sa Europa ang umalma sa nasabing plano ng US kaya sila ay nagpadala ng kanilang mga sundalo bilang pagkontra sa US.