-- Advertisements --
Nagdesisyon ang organizers ng Grand Prix na kanilang kakanselahin ang karera sa Saudi Arabia at Bahrain.
Ang nasabing karera ay nakatakda sana sa susunod na buwan subalit dahil sa patuloy na krisis sa Gitnang Silangan ay minabuti nila itong kanselahin.
Nakatakda kasi ng gawin ang karera sa Bahrain sa darating na Abril 12 at pagkatapos na isang linggo ay sa Saudi Arabia naman ito gaganapin.
Ilan sa mga ikinokonsidera na lugar kung saan gaganapin ito ay sa mga lugar ng Portugal, Italy at Turkiye.
















