-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nasa 186-million pesos na halaga ng marijuana ang nasamsam at sinunog sa hangganan ng Ilocos Sur-Benguet.

Isinagawa ang operasyon sa bulubunduking lugar ng Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur at Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet, kabilang ang Mount Boa at Mount Leteban.

Ayon kay Atty. Benjamin Gaspi, Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Rehiyon 1, umabot sa 144 na plantation sites ang nasamsam na may lawak na 106,500 square meters ng mga plantasyon ng marijuana.

Inamin niya na nahirapan sila sa operasyon dahil umabot sila ng 10 oras bago makarating sa lugar kung saan sinamantala rin ng mga nasa likod nito ang pagkakataong makatakas at magtago sa mga awtoridad.

Aniya, mahigpit nilang binabantayan ang mga plantasyon ng marijuana sa ilang bahagi ng Sugpon, Ilocos Sur at Santol, La Union.

Dagdag nito na tumagal ng anim na araw ang operasyon kung saan nasabat nila ang 628,295 na marijuana na nagkakahalaga ng P125,647,000.00; 211,795 na piraso ng marijuana seedlings na nagkakahalaga ng P44,471,800.00; at 135 kilos ng marijuana fruiting tops na nagkakahalaga din ng P16,320,000