-- Advertisements --

Gumagawa pa ng paraan ang grupo ng mga manufacturers sa bansa para maibsan ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Ayon sa Supply Chain Management Association of the Philippines (SCMAP) na ang pagtataas ng presyo ng bilihin ay siyang huling paraan na kanilang gagawin.

Sinabi naman ni SCMAP Marketing and Communications Director Henrik Batallones na ayaw muna ipapasan sa mga consumer kung sakaling magtaas na sila ng presyo ng mga bilihin.

Ilan sa mga posibleng gawin nila ay kumuha ng mas maraming orders para tumagal ang stocks at hindi maging madalas ang pagbiyahe.

Nakakatakda rin silang pulungin ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa posibilidad na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.