-- Advertisements --

Nasa 119 na indibidwal ang inaresto kasunod ng pagkakasabat ng mahigit P383 milyong halaga ng ilegal na droga sa magkakasunod na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buong bansa.

Sa ulat ng PDEA ngayong Martes, umabot sa 85 high-impact operations ang inilunsad mula Pebrero 27 hanggang Marso 6. 

Kabilang dito ang pagsira sa bilyun-bilyong pisong halaga ng plantasyon ng marijuana sa Benguet at ang pagkakasabat ng shipment ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport.

Naitala naman ang pinakamalaking bulto ng droga sa Pampanga. Pinuri naman ni PDEA Director General Isagani Nerez ang tagumpay ng kampanya laban sa mga sindikato.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.