-- Advertisements --

HINIMOK ng Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) ang publiko na iwasan ang pagbabahagi ng mga hindi beripikado at nakaliligaw na impormasyon sa social media tungkol sa operasyon ng Search and Rescue (SAR) para sa MBCA “AMEJARA”. 

Ayon sa  CGDSEM, sa halip aniya na makatulong, magdudulot pa ito ng  pagkabahala, kalituhan, pagkabagabag sa mga pamilya, at makahadlang sa mga pagsisikap ng  Search and Rescue team.

Mas mainam na lamang na umasa sa a mga opisyal na update mula sa Philippine Coast Guard na inilabas sa pamamagitan ng mga awtorisadong channel. 

Tiniyak naman ng Coast Guard District Southeastern Mindanao na nananatili itong tapat sa kanilang mandato at tungkulin lalo na sa patuloy na operasyon ng Search and Rescue.