Naaresto ng mga awtoridad ang kapwa akusado ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na si Christina Mae del Rosario Pineda sa Benguet nitong umaga ng Martes, Enero 20.
Nadakip si Pineda kaninang alas-12:40 ng madaling araw ng PNP-CIDG Mountain Province Provincial Field Unit at 1st Provincial Mobile Force Company ng Benguet Police Provincial Office sa may Barangay Bangai, Buguias, Benguet.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa kasong malversation dahil sa umano’y P92.8 million ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Si Pineda ay cashier ng DPWH Bulacan First District Engineering Office.
Kabilang siya sa pitong inisyuhan ng arrest warrant ng Sandiganbayan Third Division at hold departure order noong Lunes.
Ang iba pang akusado na si dating Senator Ramon Revilla ay kusa nang sumuko kagabi sa PNP-CIDG habang sina dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, na kapwa pa dumalo sa pagdinig ng Senado sa flood control anomaly, ay inaresto din kahapon ng NBI operatives sa Senado
















