-- Advertisements --

Hiniling nina dating Department of Public Works and Highways Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza sa Department of Justice na huwag isama bilang ebidensiya laban sa kanila ang ilang pahayag nila.

Sa counter-affidavits ng dalawa dahil sa reklamong malversation, graft at direct bribery na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) na sinabi ni Hernandez na ang mga pahayag nila ay ginamit nila para sa aplikasyon ng Witness Protection Program.

Dahil dito ay hindi umano ito puwedeng gamitin laban sa kanila.

Ang dalawa ay sangkot sa umanoy ghost flood control project sa Pandi, Bulacan kung saan idinawit din nila si dating Senator Bong Revilla.

Nag-apply ang dalawa bilang state witness subalit hindi ito naaprubahan.

Dadag pa ni Hernandez na na-pressure siya para pirmahan ang nasabing affidavits ng hindi ito pinag-aaralan.

Nilinlang umano sila ng NBI kung saan tiniyak sa kanila na ang mga pahayag nila ay magagamit laban sa ilang opisyal ng gobyerno.