Tumanggi si dating Senator “Bong” Revilla na magsumite ng plea sa kasong malversation, na walang inirerekomendang piyansa, sa kaniyang muling pagharap sa Sandiganbayan para sa arraignment o pagbasa ng sakdal ngayong Lunes, Pebrero 16.
Bunsod nito, ang Sandiganbayan Third Division na ang nagpasok ng not guilty plea para kay Revilla.
Ang naturang kaso ay may kinalaman sa P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Nauna ng nagpasok ang Sandiganbayan ng not guilty plea ang Sandiganbayan para kay Revilla matapos tumangging magsumite ng kaniyang plea sa kasong graft may kinalaman pa rin sa umano’y maanomaliyang proyekto.
Sa labas naman ng Sandiganbayan, muling nagpaabot ng suporta sa dating Senador ang kaniyang mga supporter, isinisigaw ang panawagang palayain ang dating Senador.
Samantala, ang kapwa-akusado ni Revilla na si dating DPWH accountant Juanito Mendoza ay nagpasok ng not guilty plea. Nauna ng nagsumite ng kanilang not guilty plea ang lima pang kapwa akusado na dating mga opisyal ng DPWH na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, Emelita Juat at si DPWH Bulacan first DEO cashier Christina Pineda.















