Nakatakdang suriin ng Sandiganbayan ang male detention dormitory ng New Quezon City Jail sa Payatas, kung saan nakakulong si dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. at kaniyang kapwa akusado sa ghost flood control anomaly case sa Pandi, Bulacan.
Kasalukuyan ngang nananatili si Revilla sa Payatas jail habang nakabinbin pa ang apela ng kaniyang kampo na humihiling na mailipat siya sa Philippine National Police (PNP) custodial facility.
Sumasailalim din ang dating Senador sa 7-day quarantine sa naturang pasilidad bilang parte ng health protocols para sa mga bagong preso.
Matapos makumpleto ang naturang procedure, posibleng isailalim si Revilla sa detention cell housing kung nasaan ang pitong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula sa MIMAROPA, na nakulong may kaugnayan naman sa umano’y anomaliya sa flood control anomaly sa Oriental Mindoro.
Ngayong Biyernes nga humarap si Revilla sa anti-graft court Third division, para sa kaniyang naka-schedule na pre-trial at arraignment sa kasong graft at malversation subalit na-defer o ipinagpaliban sa Pebrero 9.















