-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nakadepende sa diplomatic channels at legal na proseso ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi kay dating Congressman Zaldy Co sa Pilipinas.

Sa isang panayam, nilinaw ni Sec. Remulla na wala na sa kaniyang hurisdiksiyon ang naturang usapin kundi ang DFA na ang gagawa ng hakbang para maibalik sa bansa ang dating mambabatas.

Ayon sa kalihim, hindi pa naireport si Co sa International Criminal Police Organization (Interpol), dahil nakadepende ito sa mga kasong pormal na ihahain laban sa kaniya.

Sa kasalukuyan, mayroong standing arrest warrant laban kay Co bunsod ng inihaing corruption at malversation of public funds charges laban sa kaniya sa Sandiganbayan.

May kaugnayan ang mga kaso sa umano’y maanomaliyang P289 milyong flood ontrol project sa Oriental Mindoro, subalit nauna nang itinanggi ni Co ang mga akusasyon laban sa kaniya.