BUTUAN CITY – Nasawi ang isang pasahero habang 11 naman ang nailigtas matapos lumubog ang sinakyang motorbanca sa karagatan ng Brgy. Day-asan, Surigao City, pasado alas-7:00 ng umaga kahapon, Linggo, Enero a-18.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, alas-8:06 ng umaga nang opisyal na nai-report ang insidente kinasangkutan ng 3 -gross tons na bangka at sinasakyan ng 12 indibidwal na kabilang sa grupo ni Mario Larong, na umalis mula Brgy. Talisay patungong mainland ng lungsod ngunit sinalubong ng malalaking alon na naging sanhi ng pagkalubog nito.
Agad na rumesponde ang Philippine Coast Guard kasama ang Special Operations Group kungsan base sa salaysay ng isa sa mga survivor na si Jun Montederama, karamihan sa mga pasahero ay nailigtas sa tulong ng isa pang motorbanca, subalit isang indibidwal ang nawala hanggang sa natagpuan at dinala sa Surigao Medical Center na idinklara namang dead-in-arrival. Ki
nilala ang biktima na si Nelyn Longos, 47 taong gulang, residente ng Buenavista, Agusan del Norte.
Hinila ang lumubog na motorbanca patungo sa Brgy. Talisay para sa safekeeping at pagkukumpuni.
















