-- Advertisements --

Nagpakitang-gilas si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena matapos makakuha ng season-best na 5.78 metro at maiuwi ang gintong medalya sa ISTAF Indoor sa Berlin.

Kinailangan lamang ni Obiena ang isang attempt upang malampasan ang 5.78 metro, samantalang kinailangan niya ng dalawang attempt para lampasan ang 5.60 metro.

Kasabay niya sa 5.78 metro si Simen Guttormsen ng Norway, ngunit nakakuha lamang ito ng silver medal dahil sa mas maraming attempts sa naunang heights.

Pareho silang nagtangkang lampasan ang 5.83 metro ngunit nabigo.

Nagtapos naman sa ikatlong puwesto sina Menno Vloon ng Netherlands at Bo Kanda Lita Baehre ng Germany matapos makalampas ng 5.70 metro.