-- Advertisements --

Nagkamit ng silver medal sa2026 Domspringen Wesel International sa Germany si Pole Vault si Pinoy pole vault star EJ Obiena.

Na-cleared kasi ni Obiena ang 5.75 meters para pumangalawa sa walong mga kalahok.

Nanguna naman si Robin Emig ng France habang si Cole Walsh ng US ay pumangatlo sa nasabing kumpetisyon.

Ang nasabing panalo ay kasunod ng pagkamit niya ng gintong medalya sa ISTAF Berlin sa Germany.

Sinabi nito na naging malaking hamon ang mga araw dahil ito ang pang-anim na kumpetisyon niya sa loob ng 14 na araw.

Kuwalipikado na si Obiena para sa 2027 World Athletics Championships sa Beijing, China.

Naghahanda na rin si Obiena para sa pagtatanggol niiya ng kaniyang titulo sa Asian Games ngayong buwan.