-- Advertisements --

Nagtapos sa pang-anim na puwesto si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Wanda Diamond League na ginanap sa Lausanne, Switzerland.

Naabot nito ang clearance na 5.81 meters sa ikalawang attempt nito.

Tinangka ni Obiena na maabot ang 5.91 meters subalit ito ay nabigo ng ikatlong beses.

Nanguna sa torneo si Mondo Duplantis ng Sweden na nagkapag clear ng makasaysayang 6.21 meters na nahigitan nito ang 6.15 meters.

Pumangalawa naman si Emmanouil Karalis na mayroong 6.16 meter clearance.

Target ni Obiena na makabangon kung saan susunod na kumpetensiya nito ay sa Asian Games.