Matapos ang matagumpay na pagtanggol sa kaniyang Asian Games title, binabalak ni pole vaulter EJ Obiena ang kaniyang Olympic comeback na gaganapin sa Los Angeles, USA sa 2028.
Bago lumaban sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan, humakot ang nasabing pole vaulter ng siyam na gintong medalya ngayong taon na nakamit mula sa mga palaro sa Europe at China.
Record-breaking naman ang pagbabalik ni Obiena sa Asiad matapos ang kaniyang makasaysayang 5.91 meter-finish para sa bagong competition record kung saan inungusan niya ang dati niya ring makasaysayang marka na 5.90 meters sa Hangzhou noong 2023.
Ibinahagi rin ni Obiena ang kaniyang planong Olympic comeback para sa LA 2028 matapos ang aniya’y produktibong taon.
“For me, this season has been a welcome sight to see. The last two years have been rough for me. Missing the podium in Paris, falling out of the top 10 and falling as low as 15,” saad ng pole vaulter sa kanilang homecoming press conference nitong Lunes.
“LA is the goal. I defended my title here, and I think I’m, like I said, I have a lot of upside. It’s just a matter of time. We will see. But again, I can’t predict the future. If I could, I would,” dagdag niya.
Bigong nakamit ni Obiena ang podium finish matapos mauwi sa fourth spot noong 2024 Paris Olympics. Gayunpaman, pursigido at nananatiling positibo ang mindset ng atleta na ipagpatuloy ang paglaban sa larang.
















