Nakatutok ngayon ang mga organizer ng 2026 Asian Games sa Aichi Prefecture, Japan sa banta ng paparating na bagyo na posibleng makaapekto sa biyahe at transportasyon ng mga atleta at opisyal patungo sa iba’t ibang venue ng kompetisyon.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Myla Tominaga, bagaman manatiling maayos ang pangkalahatang lagay sa pagbubukas ng torneo, mahigpit na binabantayan ang pagkasira ng iskedyul ng mga tren at bullet train na maaaring magdulot ng kanselasyon o pagkaantala kapag sumagasa ang malakas na ulan at hangin.
Sa kabila ng banta ng panahon, inaasahan naman ang buhos ng suporta mula sa Filipino community sa Japan para sa humigit-kumulang 11,000 atleta mula sa 45 bansa, kabilang ang mga kilalang atletang Pinoy tulad nina Carlos Yulo, Alex Eala, EJ Obiena, Eldrew Yulo, at weightlifter Elreen Ando.
Tiniyak ng mga samahang Pilipino roon ang kanilang active participation at moral support sa pambansang delegasyon, sa pakikipagtulungan na rin ng Philippine Consulate sa Nagoya na nag-aayos ng mga aktibidad para sa mga atletang Pilipino at sa kanilang mga tagasuporta.
















