-- Advertisements --

Nagkamit ng gintong medalya si Pinoy pole vault star EJ Obiena sa Golden Sand 2026 competition na ginanap sa Międzyzdroje, Poland.

Nadomina ni Obiena ang Promenada Gwiaz kung saan nagkamit nito ang season-best na 5.91 meters para makamit ang medalya.

Ito na ang pang-walong gintong medalya ng world number 13 ngayong 2026 season na nakuha sa Cottbus, Berlin, Halberstadt, Poznań, Eisenstadt, at Tianjin.

Nahigitan nito ang ilang mga sikat na pole vaulter gaya nina Cole Walsh, Hunter Garretson at US at Robin Emig ng France.

Target nitong makabalik sa top 10 kung saan kasalukuyan itong nagsasagawa ng pagsasanay sa Greece kasama si world number 2 na si Eammanoil Karalis.