-- Advertisements --

Nanawagan si Iranian President Masoud Pezeshkian sa gobyerno na dapat ay kilalanin nila ang kanilang pagkukulang.

Sinabi nito na marapat na sisihin ang sariling gobyerno kaysa ibunton ito sa ibang bansa kaya nagkaroon ng malawakang kilos protesta sa Iran.

Humiling din ito ng pakikipagpulong sa judiciary para maiproseso na rin ang pagpapalaya sa mga nakakulong na protesters.

Magugunitang ilang libong protesters ang nasawi at marami rin ang inaresto dahil matapos ang nationwide protest dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

Nagbanta rin ang US na kanilang aatakihin ang Iran kapag patuloy ang pagdami ng nasasawing protesters.