Nakasalalay sa legal team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung ito ay dadalo sa deliberasyon ng House Committee on Justice bilang respondent sa impeachment complaints na inihain laban sa kaniya.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, sakaling pormal na imbitahan ang pangulo at masasabing pasok ito sa mga pamantayan, ang magiging tugon o pakikilahok ng Punong Ehekutibo ay nakasalaly sa kaniyang legal team.
Sa ngayon ayon kay USec. Castro na hihintayin muna ng Palasyo ang magiging aksyon House of Representatives kaugnay sa planong imbitahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Castro, kailangang suriin muna ng Kamara kung may sapat na porma at substance ang nilalaman ng mga reklamo bago umusad ang anumang imbitasyon.
Pormal naman ng itinakda ng House Comittee on Justice sa pangunguna ni Batangas Rep. Gerville Luistro sa Lunes, February 2 ang gagawing initial review hinggil sa impeachment complaints na inihain laban kay PBBM.
Nagbigay na kasi ng notice of meeting ang Komite sa mga house members na nag endorso sa nasabing impeachment complaints.
















