-- Advertisements --

Nagbabala ng Presidential Communications Office (PCO) na huwag maniwala sa mga lumalabas na pekeng mga medical report ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa PCO na kanilang kinokondina ang pagpapakalat ng nasabing pekeng medical report na galing umano sa Pangulo.

Dagdag pa nito na malinaw na pineke ang nasabing medical information na nakasaad doon at ito umano ay paglabag sa righ to privacy ng pangulo.

Hinikayat nila ang publiko na maniwala lamang sa mga inilalabas na mga otorisadong government sources.

Naglabas naman ang pahayag ang St. Lukes Medical Center , kung saan pinabulaanan nila na mayroon silang inisyu ng anumang medical test result ng pangulo.

Ayon sa pa dito na malinaw na peke ang nasabing mga dokumento dahil sa pinahahawakan nila ang confidentiality ng pasyenta ganun din ang data privacy.