-- Advertisements --
Aabot sa 500 katao ang inaresto ng kapulisan sa Iran dahil umano sa pagbibigay ng mga impormasyon sa kanilang kalaban.
Ayon kay Ahmadreza Radan ang hepe ng Islamic Republic police chief, na kalahati sa mga naaresto ay sangkot sa seryosong insidente kabilang ang pagbibigay ng impormasyon dahil sa pagtama sa targets.
Sa northwestern Iran ay nasa 20 katao ang inaresto dahil sa pagbibigay ng lokasyon at detalye ng military sa Israel.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung paano nakakalusot ang mga impormasyon na ibinibigay ng mga naarestong indibidwal.
















