-- Advertisements --

Nakasalap ng mapait na pagkatalo ang Gilas Pilipinas women matapos na tambakan sila ng South Korea 105-74 sa 2026 FIBA Women’s Wolrd Cup Qualifying Tournament.

Sa unang bahagi ng first quarter ay naging dikit pa ang laban sa laro na ginanap sa Villeurbanne, France.

Subalit naging matindi ang ipinamalas ng South Korea na lakas.

Nasayang naman ang nagawang 26 points ni Kacey Dela Rosa habang 13 points ang naitala ni Janine Pontejos para sa Pilipinas.

Mayroon ng apat na talo at wala pang panalo ang Pilipinas kung saan makakaharap nila ang Colombia na parehas nila ng wala pang panalo.