-- Advertisements --
Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na mayroong ilang katao ang lumapit sa kaniya at hiniling na maging bahagi ng kaniyang senatorial slate kapag tumakbo ito sa pagkapangulo.
Sinabi ng Bise President na mayroong apat na personalidad ang lumapit sa kaniya na ikinokonsidera siya.
Hindi naman nito binanggit ang mga pangalan na nais na maging senador niya.
Dagdag pa nito na patuloy pa rin niyang kinukumbinsi ang napili niyang tatakbo para maging bise presidente niya.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ng Bise President na ito ay tatakbo sa pagkapangulo sa darating na 2028 elections.
















