-- Advertisements --
Naghain ngayong araw ng not guilty plea sina dating Department of Public Works and Highways Bulacan First District Engineering Office (DEO) engineers Brice Hernandez, JP Mendoza para sa kasong graft na inihain sa kanila sa Sandiganbayan.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa mga umano’y maanomalyang flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit P92.8-million na kalaunan ay napag-alamang ghost project.
Kabilang sa naghain ng not guilty plea ang cashier na si Christina Pineda para sa parehong kaso na kinakaharap nito.
Sina Hernandez, Mendoza at Pineda at kapwa akusado ni dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. para sa kasong graft and malversation na inihain sa anti-graft court














