Iniimbestigahan ng emabahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates ang ulat na umano’y dalawang Pilipino ang naaresto sa Dubai dahil sa umano’y pagrecord at pagbabahagi ng mga video kaugnay ng mga kamakailang pag-atake sa bansa.
Sa isang pahayaag, sinabi ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi at Consulate General sa Dubai na humingi na sila ng opsiyal na kumpirmasyon at impormasyon mula sa awtoridad sa UAE tungkol sa pagkakakilanlan, kasalukuyang kalagayan at legal na sitwasyon ng dalawang Pilipinong sangkot.
Ayon sa mga opisyal, iginagalang ng Pilipinas ang soberanya ng UAE at pagpapatupad nito ng batas kaugnay ang national security, cyberycrime, at public order kasunod ng pagpapaalala ng awtoridad ng UAE na ang pagbabahagi ng mali o hindi beripikadong impormasyon tungkol sa seguridad, kabilang ang mga video ang air defense interceptions, pag-atake sa mga landmark, maging AI-generated na video at maaring ituring na krimen na may katumbas na pagkakakulong at mabigat na multa.
Dahil dito, nanawagan ang mga dimplomatikong opisyal sa mga Pilipino sa UAE na maging labis na maingat sa kanilang mga aktibidad sa internet at pinayuhan ang komunidad na umiwas sa pagkuha ng mga video, pag post sa internet o pagkomento sa mga hindi kumpirmadong usapin sa seguridad, at sa halip at umusa lamang sa mga opisyal na pahayag ng pamahalaan ng UAE.
Samantala, batay sa mga ulat kabilang ang dalawang Pilipino sa 25 katao na umano’y naaresto dahil sa pagbabahagi ng mga video sa internet kaugnay ng mga pag-atake. kabilang naman sa mga nadakip din ang ilang dayuhan mula sa India, Pakistan, at Bangladesh.
















