-- Advertisements --

Hiniling ng Petroleum Association of the Philippines (PAP) na dapat ay pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagpapalago ng paggamit ng natural gas dahil sa banta ng pagtaas ng singil ng kuryente bunsod ng nagaganap na krisis sa Gitnang Silangan.

Dagdag pa ni PAP chairperson Donnabel Kuizon Cruz na ang mga locally produced na gas ay makakabawas sa demand ng bansa mga imported fuels.

Dahil dito ay may malaking matitipid ang bawat consumers.

Giit nito na mayroong kapasidad ang gobyerno para kausapin ang mga power generation companies at makatulong sa pagbawas ng presyo.