-- Advertisements --

Nasungkit ni Filipino para swimmer Ariel Joseph Alegarbes ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas sa 2026 Asian Para Games matapos magkampeon sa men’s 100-meter backstroke S14 final sa oras na 1:01.56.

Sa isang dikit na karera, tinalo ng 22-anyos na si Alegarbes si South Korea’s Sungho Kang sa lamang na 0.05 segundo. Naiuwi naman ni Thailand’s Natirat Meeprom ang bronze medal.

Nagdagdag ang panalo ni Alegarbes sa gintong medalya ni Ernie Gawilan sa men’s 400-meter freestyle S7, na nagbigay ng panibagong karangalan sa Team Philippines sa larangan ng para swimming.

Sa kasalukuyan ay nasa ika-14 na puwesto ang Pilipinas para sa medal tally ng ParaGames 2026 na may 2 gintong medalya at 1 bronze medal, na may kabuuang 3 medalya.