-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa isang maliit na commercial jet na may sakay na 15 pasahero na naiulat na nawawala sa Colombia.

Ang Satena Flight NSE 8849 ay galing sa bayan ng Cucuta sa Colombia at patungo sana sa bayan ng Ocana ng ito ay nawala sa radar ng 11:54 ng umaga.

Nakatakda sana kasi itong lumapag 12:05 ng hapon subalit nawala ito sa radar sa bahagi ng Catatumbo region isang bulubunduking bahagi na border ng Colombia at Venezuela.

Sa inisyal na impormasyon ang Beechcraft 1900 na nakarehistro sa HK-4709 at inooperate ng kumpanyang SEARCA ay may sakay na 13 pasahero at dalawang crew.