-- Advertisements --
Sugatan ang dalawang miyembro ng US Navy matapos ang banggaan ng dalawang barko nila sa Caribbean Sea.
Nasagi ng USS Truxtun ang supply ship na USNS Supply habang kumukuha ng bagong mga suplay.
Nasa mabuting kalagayan naman ang nasugatang personnel na nagtamo ng bahagyang sugat sa katawan.
Ligtas naman na naglayag ang dalawang barko matapos ang insidente.
Base sa inisyal na imbestigasyon ay nagkaroon lamang ng maling pagtantiya ng mga kapitan ng barko kaya nangyari ang aksidente.















