-- Advertisements --
Naisapinal na ng Philippine Navy at Royal Brunei Navy ang kanilang plano para sa bilateral Maritime Training Activity (MTA) SEAGULL 10-2026.
Ang nasabing aktibidad ay isasagawa sa Western Mindanao mula Setyembre 13 hanggang 17.
Pinangunahan ng Naval Command Western Mindanao (NCWM) ang Final Planning Conference mula Agosto 3 -5 kung saan ang dalawang navies ay naisapinal ang konsepto ng exercise, activities at support requirement.
Layon ng MTA SEAGULL ay para mapagtibay ang kooperasyon, interoperatibility, professional engagement sa pagitan ng dalawang navies.
Inaasahan na kabilang dito ang coordinated maritime training, communications, maneuvering drills, maritime security scenarios at professional exchanges.
















