-- Advertisements --

Nais isulong ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang pagkakaroon ng “expeditionary navy” upang maprotektahan ang mga sasakyang pandagat at mangingisda habang patuloy na pinalalago ang maritime industry sa Pilipinas.

Dinaluhan ng ilang maritime experts, government officials, maging ng mga akademiko ang isinagawang 3rd Balangay Forum bilang paggunita sa 2026 Maritime Archipelagic Nation Awareness Month.

Tinalakay rin sa forum ang pagpapaigting ng “blue economy” sa bansa. Ayon pa kay Teodoro mahalagang matutukan ang “Blue Economy” upang makatulong ito sa pagkakaroon ng “sustainability at development”.

Sa forum, tinalakay rin ni Teodoro ang paggamit ng wasto ng maritime resources upang masuportahan ang tumataas na land population ng Pilipinas.