-- Advertisements --

Nakatakdang magsimula sa Hunyo 1, 2027 ang pagdinig sa kaso ng pinatalsik na Venezuelan president Nicolás Maduro at asawa nitong si Cilia Flores.

Ayon kay New York Judge Alvin Hellerstein na magkakaroon ng pre-trial hearing sa kaso sa darating na Nobyembre 17 para pakinggan ang motions mula sa magkabilang panig.

Nanindigan ang abogado ni Maduro na si Barry Pollack na kanilang konkontrahin ang pagdinig dahil ang kaniyang kliyente ay protektado ng sovereign immunity kung saan mayroon legal principle na nagpoprotekta sa head of states.

Magugunitang naaresto si Maduro at Flores sa kanilang compound sa Caracas ng mga US Forces noong Enero 3 at dinala ang mga ito sa New York para harapin ang kasong weapon at drug offences.