Nagdududa ang pamilya ng isang Philippine Navy officer candidate matapos na nasawi dahil sa heatstroke sa Zambales.
Ang 25-anyos na si Aldwayne Dulnuan ay nasa training sa Zambales noong ito ay pumanaw.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad ay tumakbo ito ng limang kilometro noong tamaan ito ng heat stroke.
Ayon naman sa ina nitong si Stella Bunoan, nakatanggap ito ng tawag sa Navy noong Hulyo 21 kung saan naabutan ang anak naka-intubate sa loob ng intensive care unit (ICU).
Igiit nito na hindi itong naniniwala na heatstroke ang ikinasawi ng anak dahil ito ay atleta at laging kondisyon.
Sinabi naman ni Philippine Navy Public Affairs Office Director Captain Marie Angelica Sisican , na base sa inisyal na medical assesement na nakaranas ang biktima ng cardiac arrhythmia, heat exhaustion, at electrolyte imbalance.
Hindi na nakayanan ni Dulnuan ang kaniyang sakit at ito ay tuluyang pumanaw noong Hulyo 22.
Iginiit naman ng Philippine Navy na kahit patuloy ang imbestigasyon ay nanindigan silang walang anumang indikasyon ng foul play.
















