-- Advertisements --

Pinasesertipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Biofuels Act of 2006.

Sa sulat na ipinadala ng Pangulo kay Senate President Vicente Sotto III na may petsang March 16, hiniling nito ang agarang pagpasa ng Senate Bill No. 1965 na nag-aamyenda sa Section 5 ng Republic Act 9367 o Biofuels Act of 2006.

Ayon sa Pangulo, layunin ng panukala na maibsan ang  epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa gitna ng tumitinding geopolitical tensions at volatility sa global oil markets.

Inaasahan ding makatutulong ang naturang hakbang upang mapalakas ang kakayahan ng bansa na makasabay at makaiwas sa posibleng pagkagambala sa suplay ng enerhiya sa hinaharap.

Ang nasabing sulat ay naka copy furnished sa kay House Speaker Bojie Dy III at Presidential Legislative Liaison Office para sa kaukulang aksyon.