-- Advertisements --

Kinumpirma ng US military na mayroong dalawang suspek na lulan ng bangka na may dalang iligal na droga ang nasawi matapos ang matagumpay na airstirkes.

Ang nasabing bangka ay dumaan sa Eastern Pacific region na sangkot sa narco-trafficking operations sa bahagi ng Venezuela.

Wala umanong mga nadamay na mga sundalo ng US at pawang mga narco suspeks ang nasawi.

Mula ng pinaigting ang kampanya ay mayroon ng 130 na katao na sangkot sa pagpuslit ng iligal na droga ang nasawi.

Noon pang Setyembre ng nakaraang taon ng ipinag-utos ni US President Donald Trump ang pag-atake sa mga bangka na nagdadala ng iligal na droga na nag-ooperate sa Venezuela.