-- Advertisements --

Patay ang limang katao matapos ang drone strike ng Russia sa isang pampasaherong tren sa Ukraine.

May lulan na 300 na pasahero ang tren sa Kharkiv region noong isinagawa ang pag-atake.

Sinasakyan ito ng mga Ukrianians para bisitahin ang mga sundalo na nasa front lines ng lumalaban sa Russia.

Tinawag naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang pag-atake bilang isang uri ng terorismo.

Sa mga nagdaang pag-atake ay tinatarget ng Russia ang mga riles ng tren at ngayon lamang nila inatake ang pampasaherong tren.