-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Justice na naresolba na ng prosekusyon ang limang (5) reklamong tax evasion laban sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

Ito mismo ang ibinahagi ni Atty. Polo Martinez, tagapagsalita ng kagawaran ngayong araw.

Aniya’y nakatakdang ihain ang naresolbang mga reklamo sa Court of Tax Appeals laban sa naturang mga kontratista.

Habang ngayong Martes, ika-27 ng Enero, 2026 nama’y dumating muli sa Department of Justice ang ilang mga napiling ‘state witnesses’ para sa flood control cases.

Kabilang rito sina former Department of Public Works and Highways official and engineers Henry Alcantara, Roberto Bernardo at Gerard Opulencia.

Bagama’t hindi na sila nagbahagi ng anumang pahayag hinggil sa pagdating, magugunitang sinabi ng kagawaran na natural ang pagbabalik-balik ng mga ito sa DOJ.

Ani kasi nila’y nasa ilalim na ang mga naturang indibidwal sa Witness Protection Program kung kaya’y inaasahan na magpapabalik-balik ito sa tanggapan.