-- Advertisements --

Inakusahan ni Vice President Sara Duterte ang International Criminal Court (ICC) na “biased”.

Kasunod ito sa bigong makakuha ng pagpabor sa ruling para sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakapiit sa ICC.

Dagdag pa ng Bise President na parang hinatulan na ng ICC ang dating pangulo kaya marapat na akusahan sila bilang ‘biased political court’ at hindi court of justice.

Magugunitang naglabas ng desisyon ang ICC Pre-trial Chamber 1 na kanilang ibinabasura ang hiling ng kampo ni Duterte para sa pagpapaliban ng proceeding dahil umano sa walang kakayahan at kahinaan ng kalusugan ng dating pangulo.