-- Advertisements --

Plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bawasan ang bilang ng mga aplikante na kumukuha ng lisensiya ng digital banking.

Ayon kay BSP Deputy Governor Lyn Javier, namumuno ng department regulating banks, na sinimulan nilang inaral ang mga applications.

Dagdag pa nito na maaring sa mga susunod na buwan ay makakapili na sila at kanilang isusumite ito sa Monetary Board.

Magugunitang noong 2025 ay nakatanggap ang BSP ng tatlong bagong aplikante para sa digital banking na ito ay maaring idagdag sa kasalukuyang anim na digital bank sa bansa.