-- Advertisements --

Hinamon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla si dating Senator Antonio Trillanes na maglabas ng ebidensiya na mayroong warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) si Senator Ronald Dela Rosa.

Ayon sa kalihim na hindi niya maintindihan ang motibo ni Trillanes at laging hinahanap si Dela Rosa.

Giit pa ni Remulla na alam nila ang kinaroroonan ng Senador sa Davao kaya bakit kailangan pa itong hanapin.

Sakaling may maipakitang warrant of arrest mula sa ICC si Trillanes ay personal mismo itong pupunta sa Davao para arestuhin si Dela Rosa.