Naubusan na ng produktong petrolyo ang ilang gasolinahan sa Quezon City nitong Linggo habang dagsa ang mga motorista bago ang inaasahang malaking taas sa presyo ng langis bukas, Martes, Marso 10.
Mahahabang pila rin ang naitala, kabilang sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, kung saan ang diesel ay nasa ₱57 kada litro at gasolina ₱55 kada litro, mas mura kaysa sa ibang istasyon na halos ₱70 kada litro.
Sa ilang istasyon, nauubos na ang diesel at gasolina na lamang ang natitira.
May istasyon ding pansamantalang nagbago ng presyo sa signage matapos maubos ang lahat ng produkto.
Nagpaalala naman si Energy Secretary Sharon Garin na ipinagbabawal ang overpricing at hoarding ng langis.
Nagsagawa na rin ang DOE ng inspeksyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang masiguro na sumusunod ang mga gasolinahan sa mandated price adjustments.
Paalala ng Department of Energy na hindi pa pinapayagan ang pagtaas ng presyo at maaari lamang ipatupad bukas.











