Umaasa ang Department of Energy (DOE) na magtutuloy na ang pagbaba ng presyo ng langis kasunod ng peace deal sa pagitan ng Amerika at Iran, na opisyal na lalagdaan ngayong Linggo.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, umaasa sila na tuluyan nang maselyuhan ang kasunduan sa Biyernes.
Iniulat naman ni Energy USec. Sandy Sales na bumaba na ang presyo ng langis sa P80 per liter level mula sa mahigit P120 kada litro matapos tumama ang krisis sa Middle East.
Aniya, ang kamakailang rollback sa presyo ng langis ay sumasalamin sa pag-asa ng pandaigdigang merkado sa resulta ng peace deal sa pagitan ng US at Iran.
Nagpahayag din ng pag-asa ang DOE official na lalo pang bababa ang presyo subalit posible aniyang abutin ito ng anim na buwan hanggang isang taon dahil na rin sa pinsalang iniwan ng giyera sa iba’t ibang oil storage at production facilities sa Gitnang Silangan.
















