-- Advertisements --

Muling pinganuhanan ni Luka Doncic ang kanyang koponan na Los Angeles Lakers matapos na patumbahin sa Overtime game ang Denver Nuggets sa iskor na 127-125.

Umabot hanggang overtime ang laro matapos na makuha ni Austin Reeves ang reboud at ipasok ang isang crucial shot sa huling 1.9 na segundo ng laro.

Nakahabol ang Lakers sa fourth quarter matapos kumana ng 17 puntos ang koponan para burahin ang lamang ng Denver na 8 puntos.

Nakapagtala naman si Doncic ng triple-double na may 30 puntos, 12 points at 11 rebounds habang malaking ambag naman ang 32 points ni Revees para ipanalo ang Lakers.

Samantala, nasayang din ang triple-double ng Nuggets star na si Nikola Jokic na nagtala ng 24 puntos, 16 rebounds at 14 assists.

Sa ngayon ay kasalukuyang nasa pangatlong pwesto sa Western Conference ang Lakers sa standing ng 42-25 habang laglag naman sa pang-anim na pwesto ang Nuggets may standing na 41-27.