-- Advertisements --

Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) ang pagtatangka ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kontrahin ang pagtatalaga ng mga abogado ng mga bitkima ng drug war.

Sa 15-pahinang desisyon na inilabas nitong Enero 26, sinabi ng ICC Pre-Trial Chamber I na karamihansa mga biktimang aplikante ay nagnais na irepresenta ng ICC-accredited na mga abogado na sina Atty. Joel Butuyan at Gilbert Andres o ang Office of Public Counsel for Victims (OPCV).

Sina Butuyan at Andres kasi ay pasok para maitalaga bilang legal representatives ng mga biktima.

Subalit base sa kampo ng dating pangulo na ang mga nabanggit na mga abogado ay nagpahayag na ng galit kay Duterte na nagiging sanhi ng pagkainis online at judiciial trolling.

Ipinaliwanag ng Pre-Trial Chamber 1 na ang public opinions ng mga abogado ay hindi nakakaapekto sa kanilang professional na duties at abilidad na magrepresenta sa mga biktima.

Kanila din ibinasura ang hiling ng OPCV para muling buksan ang applicaiton process para sa pagsali ng mga bikitma dahil ito ay magpapabagal sa pagdinig ng kaso.