-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na siya ay naka-medical break simula Enero 26.

Sa kaniyang social media account ay sinabi niyang dinala siya sa pagamutan nitong araw ng Linggo matapos makadama ng pananakit sa dibdib.

Lumabas sa angiogram procedure na mayroong ilang pagbara sa kaniyang ugat.

Kasakuluyan itong nasa medical monitoring at limitado lamang ang kaniyang paggalaw.

Sa ngayon ay itinalaga niya si Vice Mayor Ace Servillion na pansamantalang uupo bilang alkalde.

Tiniyak nito na tuloy pa rin ang serbisyo ng gobyerno at pinasalamatan nito ang mga mamamayan na nagpaabot ng kanilang pagbati para sa agarang paggaling nito.