-- Advertisements --

Tatlong katao ang pinaghahanap matapos ang naganap na pagguho ng landfill sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Rodriguez municipal mayor Ronnie Evangelista na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring at ugnayan sa private operator ng landfill sa insidente na nangyari nitong araw ng Biyernes.

Hinikayat din ng alkalde ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa rin ng imbestigasyon.

Una ng sinabi ng grupong Kadamay na mayroong 50 katao ang nawawala dahil sa pagguho ng landfill.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.